5.05.2009

WOOOHOOOO!!!

kaya parang walang kagana gana ako mag blog ay dahil depress depressan ako nung nakaraang buwan. kasi akala ko ung ipod ko sira na. perrooo...

woohoo me!

okay... nagawa ko rin ang ipod ko! isang malaking yehey sakin. grabe!! worried na ko eh, buti na lang naisip ko yun.

2 weeks na kasing hindi madetect ng pc ung ipod. dahil sa kagagawan ko rin. may binura akong apple application sa hard drive kasi kailangan kong magdefrag, eh kulang ung space. binura ko sya. since then... wala na.

naiiyak na nga ako eh, kasi wala pang 1 year ung ipod ko... masisira na. akala ko rin nilamon na ng trojan ang ipod ko, dahil nga napuno ng trojan tong pc dahil sa kapatid kong bunso, na hindi marunong magscan at pasak lang ng pasak ng mga flashdrive.

anyways... medyo nakakatakot sa aking work nagyon. i wont go into details na lang. isang malaking SHET! pero ok lang. i understand. recession eh. kaya nga gabi gabi nagdarasal akong sana matapos na ang recession at sa kung tutuloy ito, sana hindi ako mawalan ng trabaho.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ok. ano pa. aaahhhh. these past weeks lagi kaming lumalabas nina twacey at yekki. so far... masaya naman sya. ang plano, every other week lumabas. at bago pa ako masumbatan lalo ng mga taong ito i-a-upload ko na ang mga pix.

```````````````````````````````````

nga pala HAPPY MOTHER'S DAY sa ating mga ina!!! namili nga kami ng peryborit cake ni mommy kasi nga mother's day. yun ung cake na ginawa ng Mansion bakery dito sa gapo ung black forest nila. mamaya na lang ung pix inaayos ko pa kasi. sarap ng kanin ng aking ina. ung lang kasi ang kinakain nian cake.