2.23.2009

eat bulaga.

hahahahhaah!!!

i started this blog entry laughing. kasee... i was watching Eat Bulaga taktak portion. isang malaking tumbling ang pangyayari. eto para malinaw:

bossing: san galing yung pangalan mo?

contestant: sa tatay ko po!

bossing: oo nga pala junior ka!

** pero di yan masyadong nakakatawa ito talaga:

bossing: anong M ang tawag sa mga taong 18 yrs old and below?

contestant: mAkjfhksfh (di ko maintindihan, ang intindi ko ay "Mayonaisse!")

bossing: ang intindi ko mayonnaisse eh... ang sagot ay "Mi - "

audience: "Mi--"

contestant: MAY MENOR!!!

bossing: yun oh!!!

amp!!!! di ako makahinga sa kakatawa!! seryoso.

hay. kakagising ko lang. tulog ako most of the day kahapon.

isang malaking shit. ang init na sa pilipinas. di nakaktulong sa pagiging night shift ko. di ako makatulog sa umaga, lalo na pag dating ng 11am. pota cranky as hell nako. di ako makatulog!! basa na ako ng pawis. masaya sana kung sa bawat pagpapawis ko eh tanggal ng 10lbs sa katawan ko diba?! eh hindi eh. kailangan ko pa rin si doktora belo para matanggal yun. ahahaha. i wish.

nakakaloka. naaddict na ako sa facebook. pero alam kong umpisa lang to. parang friendster. pag pinagsawaan ko na, wala na, maswerte na ang 3x month ko macheck.
pero forever nako sa multiply.

medyo nag aadik adik ako ngayon. kinulayan ko ng iba ibang nail polish ang kuko sa kaliwang kamay kagabi. mga 3 am na kasi ako natulog. busy ako sa panunod ng tv. juno at wizard of oz yung palabas kaya medyo busy ako.

ewan ko ba. bigla ko na lang naisipang mag nail polish habang nakikinig kay Duffy. kaya naisip ko rin, mangulimbat ng maraming maraming album art.

kaya ito.

kung di kayo natawa sa kwento ko ng eb, eh dahil isa talaga akong shit na story teller. im not for explaining things to people. im impatient. pero ewan. nagflo-floor walk naman ako pag kailangan. di naman ako naasar. leche. oxymoronic phrases nanaman.

nga pala, pag may nakita kayong book na Lolita by Vladimir Nabokov, pakisabi naman skin, wala akong makita eh. wag lang yung nabibili pa sa russia or sa kung saan kailangan ko pang magbarko or eroplano para makabili ha. tama na ang bus, tryke or jeep.

salamat!

No comments: