ang hirap pala talaga ng pressure no. sabi ng mom ko, may bf naman daw ako.. dahil ako na lang sa lahat ng kabataan dito sa pamilya namin ay may 'pinagkakaabalahan'. eh ayoko eh. ayoko. hindi dahil sa walang may gusto, kundi sa kadahilanang ayoko na.
nakakapagod magmahal. lalo na pag matagal na kayo pagkatapos ay mag hihiwalay lang kayo. kahit gaano mo iningatan at minahal yung tao, wala rin. napakalaking emotional stress ng isang relationship. malaking emotional investment ang inilalaan mo, pero ano? nauuwi lang lahat sa wala. yung akala mong sya na, buo na ang loob mong SIYA na nga, biglang mawawala.
nakakatwa nga eh, anong alam ng isang tulad ko? isang 21 year old sa relationship? kung tutuusin bata pa ako, marami pa akong mararanasan... marami pa akong makikilala... pero bakit ang bilis kong mapagod? ewan. hindi ko alam. siguro nga, dapat hindi ako nadadala sa mga nangyayari sa buhay ko, dapat ituloy ko to.
hindi ko kasi binibilang kung ilan na ang 'pinagkaabalahan' ko eh. its not in the quantity, its in the quality. kahit ba isa o 2 lang sila sa buhay ko, basta alam kong totoo yun, okey na ako. hay.
siguro iba lang talaga ako.
sana pagdating nia, sya na talaga. sya na. wala ng iba.
love means renouncing strength
- milan kundera, the unbearable lightness of being
No comments:
Post a Comment